Changes and Alterations.


 

Change is good. We have to embrace the fact that we need to change so that we will survive. But the idea of changing is far stretched. We have to change to be accepted. We have alter our own personality just to be considered “normal”. Not that I’m crazy but I kept on dreaming for a place that you just have to be yourself. Be as loud as you can be, be as crazy as you can be, be just the real and normal “you”. More like a home.

 

Honestly, I hate (with all my heart) those TV programs and movies that values physical features more than mental and/or emotional features. Yes, they’re all entertaining, but it’s not good for us, especially the young and innocent viewers. They would think that being slim, or being tan or white, or being tall is everything.

 

Nowadays, a person’s beauty depends on his/her ability to put make-up or his/her ability to use photoshop. (haha!) I know that not all people are like that, but we can’t deny the fact that we have to edit our own features just to be perfect. I must admit that I wear make up, but my aim is not to hide my imperfections, but to look presentable, especially if I’m in an important event. And I have to confess that I don’t have the skills for a professional photoshop artist, so all of my pictures that I post or upload on various social networking sites are unedited and raw. Just me and my face. :P

 

I hope that when I’ll have children, I’ll be able to expose them to the reality that they can never be perfect. They can be beautiful or handsome while being real. I have that’ll be able to protect them from what the society dictates to them, and that is to be perfect. Because I know for a fact that they can never be, no one will ever be. :)

Society nowadays.

I just love comic strips. So far, ito ang paborito ko. Bigyan ko kayo ng konting kwento tungkol sa strip na ito. :)

Picture yourself being that BLUE GUY. At mayroon kayong isang idea na gustong i-share sa ibang tao o grupo ng mga tao.  Pero dahil medyo kakaiba o eccentric ang idea mo (o baka naman sadyang naiinggit sila sayo), ipapakita nila o ipaparamdam nila sayo na mali ka. At wala kang choice kundi mag-give way at mag-adjust para sa kanila. Marahil ayaw mong magkaroon ng kaaway o hindi kasundo kaya naman ipinagpawalang-bahala mo nalang ang idea mo, at naging parte ka na ng kung ano ang mga taong ayaw sa idea mo.

 

Sad to say, ganyan ang lipunan natin ngayon. Society dictates us. Society thinks for us. Society judge us. Wala talaga masyadong free will kasi we have to live up on what kind if society that we have. You can’t just break rules or break any barriers. Kasi, kung gagawin mo yun, you’ll be branded as weird and you’ll be alone.

 

Ito ang isang bagay na ayaw ko sa lipunan natin. Maaring isa kasi akong tao na simple lang at walang arte-arte. Ayoko ng may sinasabayan akong galaw, lalo na kung hindi ko naman kayang sabayan. Ayoko din ng may ibang taong magdidikta para sakin kung ano ba dapat ang dapat kong isipin at kung paano ba dapat akong mag-isip. Ang hirap na may kailangan kang pantayan na “standards” para lang matanggap ka ng lipunan, ang hirap din mawalan ng sarili paraan ng pag-iisip para lang masabing “in” ka. (O baka naman sadya lang matigas ang ulo ko, haha) :P

 

Sa totoo lang, mataas ang respeto ko sa mga taong matatapang na kayang mag-stand out sa society. Nakayanan nila ang mga pagsubok, lalo na ang mga mapang-matang mga tao. Syempre, gusto kong maging katulad nila. Gusto kong makuha yung tapang na meron sila. gusto ko din magkaron ng life perspective na katulad ng sa kanila. Marahil takot akong ma-judge ng ibang tao, kaya naman ganito ako, o baka naman sadyang duwag lang ako kaya hindi ko kaya.

 

Ikaw? Anong ayaw mo sa society natin? Anong napapansin mong mali? Anong isang bagay na gusto mong baguhin? Share mo naman! Baka pareho tayo. :P

Sh*t Happens.

Nakakainis at nakakafrustrate. Sobrang loaded ako ngayong week na ito at kailangan kong mag-de-stress ng konti, kaya naisipan ko gumawa ng blog post dun sa isa kong blog (So Fabulous) at huli na para malaman ko na nawala lahat ng laman nung site na iyon. Sinubukan ko na puntahan ang Cpanel ng site na iyon at tignan kung anong problema, pumunta ako sa Softaculous at nakalagay doon na wala akong in-install na blog tool para sa site ko. Sinubukan ko din tignan ang FTP ko, at huli na ng malaman ko na nabura na ang laman nito. Naiinis ako dahil ang dami kong magagandang posts sa site na iyon, pinaghirapan ko din ang ibang posts ko doon kaya naman nakakapanghinayang na mawala yun lahat. Badtrip talaga. Imbes na makapag-destress ako, lalo akong na-stress dahil nakita ko na nawala na lahat dun sa isa kong blog. Back to Zero.

 

Sa ngayon, inaayos ko pa ang So Fabulous, sana matapos ko agad. Hay naku naman. Hindi ko talaga maintindihan kung anong nangyari, mukhang wala namang gumalaw ng Cpanel ko at wala namang mangangahas na i-hack yung site na iyon dahil hindi naman ito controversial na site. Ano baaaa?! :( Nakaka-frustrate talaga. This is one of my biggest frustrations as a blogger.

 

Anyways, aayusin ko na ulit ng aking site, hopefully magkaroon na ako ng mas maraming visitors! :)

Staying Calm.

Hindi ko pa yata nabanggit sa inyo na sobrang kakaiba ang schedule ko ngayong semester. Kailangan kong pumasok simula Monday hanggang Saturday. Nakakapagod din pala. Hindi naman ako makapag-blog madalas dahil nasa school ako o di kaya may mga kailangan akong gawin para sa school. May social life parin naman ako, hindi nga lang kasing active tulad noong mga panahon na hindi pa ako busy. Haha.

 

Siguro hindi ko pa din nabanggit sa inyo na Graduating Student ako. Oo, magmamartsa na ako sa March! Nakaka-excite pero alam ko na marami pa akong kailangang tapusin ngayong semester na ito. Nakakatuwa lang minsan isipin na matatapos na ang pagiging “kolehiyala” ko. :P Hindi pa naman ako makakapag-trabaho agad pagka-graduate ko kasi mag-aaral pa ulit ako. Siguro mga apat na taon pa ulit (o baka higit pa). Hindi naman ako natutuwa sa pag-aaral o sa buong “academic life”, sadyang kailangan ko lang mag-aral pa ulit para sa propesyon na gusto ko. Haha.

 

Sa mga susunod na araw malamang marami na naman akong gagawin na kung anu-ano, sana lang makayanan ko! wag kayong mag-alala, magpopost parin ako dit sa blog ko, sana lang makahanap ako ng oras. :P

 

Estudyante ka din ba? Graduating? (be it elementary, high school or college?) Anong balak mo after graduation? :0 Share mo naman! :)

 

PLUGS: Pakibisita naman ang bagong blog ko!

Miss Jen

Miss Jen

Miss Jen

Miss Jen

Miss Jen

Miss Jen

Miss Jen

 

 

The pride that we should have. :)

 

Nagba-browse ako ng mga pictures sa Tumblr at nakita ko ang picture na ito. At oo, natuwa ako (sa mensahe nung picture).

 

Ano nga ba talaga ang “Pinoy Pride”? Basta ba nagsusuot ka ng damit na may “3 stars and a sun” ay Pinoy Pride na? Kapag ba nanalo si Pacquiao at gumawa ka ng Facebook post/Tweet/blog entry tungkol dun ay Pinoy pride na agad? Malamang paraan lang iyon para maipakita, pero hindi iyon sapat.

 

Kung mapapansin niyo yung picture sa taas, sa upper half na bahagi ay napaka-proud nung Pinoy na nandun dahil mayroong isang bagay siyang ipinagmamalaki, at yun ang pagkapanalo ni Pacquiao sa isang laban. Sa lower half naman ay ikinahihiya ng Pinoy ang pagiging Pinoy dahil may masamang nagawa ang ibang kapwa niyang Pilipino. Extremes diba? Umamin ka, minsan naging ganyan ka din. :P Ako din naman eh! Pareho lang tayo! :)

 

Baliktarin kaya natin. Ilagay natin sa sitwasyon na ikaw naman ang may ginawang tama o maipagmamalaki, malamang masaya ang buong bansa para sayo. Eh paano kung ikaw ang may ginawang mali o may nagawang hindi naaayon sa pangkaraniwang takbo ng utak ng mga Pilipino, tapos ikinahiya ka ng buong bansa dahil sa pagkakamali mo na ultimong ang Diyos natin ay kaya kang patawarin dun sa kamalian na iyon? Nakaklurkey diba? Sa tingin ko yan ang problema satin, kapag maginhawa, masaya, o maipagmamalaki, dun lang tayo kumikilos at nagkakaisa. Pero kapag mali, nakakahiya, o hindi naaayon sa normal nating paniniwala, watak-watak na tayo, hindi na buo ang Pilipinas. Kawawa naman tayo.

 

Hindi ba mas maganda kung kahit may nagawang mali ang ibang Pinoy ay ipagmalaki parin natin ang pagiging Pinoy? Yan sa tingin ko ang kaisa-isang bagay na pwede nating gawin para sa sarili natin at sa bansa natin. (Tingin ko lang naman, baka may suggestions ka pa diyan!) :P May mali o tama, may kasalanan o wala, Pinoy parin tayo sa isip, salita, at sa gawa. Ayos lang magkamali dahil lahat ng bansa ay nagagawa yun ng hindi sinasadya. Basta hindi madalas at hindi sasadyain, sa tingin ko mapapagbigyan ang mga kamalian natin. :)

 

Anyways, hindi pa ako nawawalan ng pag-asa para satin. Minsan naiinggit ako sa mga first-world countries dahil sobrang ganda at sobrang advance ang tachnology sa bansa nila, minsan naiisip ko sana ganun din dito satin. Pero hindi ko sinasarado ang utak ko na dadating din ang panahon na magagawan din natin ng paraan ang ganyang bagay. Bilog ang mundo at kung minsan bumabalik satin ang mga ginagawa natin. Malay mo ganito lang tayo ngayon, pero pagtagal ng panahon o paglipas ng ilan pang taon ay maunlad na tayo. Malay mo yung mga dating nagtatapon ng pagiging Pinoy nila ay babalik din sa kinagisnan nila. Haha. Nanalo lang bigla si Pacquiao sa isang laban niya “Proud to be Pinoy” na agad sila o may napanalunan lang si Lea Salonga na isang ward para sa performing arts “Pinoy Pride” na agad ang sinisigaw nila, pero sobra kung itakwil ang pagiging Pilipino nila kapag may nangyari sa bansa natin na hindi naaayon sa pag-iisip ng ibang tao.

 

Two last words (for this post): PILIPINAS REPRESENT! :)

(sorry kung corny. :P )

TAGGED! :)

First time kong ma-tag gamit ang blog na ito! Kadalasan, nata-tag ako gamit yung iba ko pang mga blogs! Salamat kay VHINE sa pag-tag sakin! :)

 

Kung madalas kang nagba-blog at active ka sa buong blogosphere, malamang alam mo na ito, pero sa mga hindi familiar sa tag na ito, ito ang rules:

 

RULES:

1. You must post these rules.
2. Each person must post 11 things about themselves in their journal.
3. Answer the questions the tagger set for you in their post, and create eleven new questions for the people you tag to answer.
4. You have to choose 11 people to tag and link them on the post
5. Go to their page and tell them you have tagged him/her.
6. No tag backs.
7. No stuff in the tagging section about “you are tagged if you are reading this.” You legitimately (AKA, really, truly, with all honesty)have to tag 11 people.

 

Vhine’s Questions:

1.what makes your day beautiful? Basta walang bad vibes sa paligid, perfect na ang araw ko! :)


2.who’s the closest person in your heart? why? Family and friends syempre! Hindi ako makapili ng isa lang eh. 


3.what insects or animals you hate most? Lamok at ipis na lumilipad. Sabi nga nila, walang machong lalaki sa ipis na lumilipad, eh paano pa kaya kapag sa babae?


4.what makes you feel awkward? Kapag na-out of place ako or kapag kailangan kong mag-adjust sa icang lugar or situation na malayo or hindi ko comfort zone.


5.Are you a sweet person? if yes, how do you show your sweetness? Oo naman! Sinusubukan kong ipakita through actions ang sweetness ko, pero madalas sa salita ko ine-express. Basta kapag may naramdaman ako, sinasabi ko, sinusubukan kong ipakita the best way possible. :)


6.do earn some money? if yes, can you share something about it.. ^_^ Naku, hindi eh. Dream ko nga yan! :P


7.what’s the best gift you ever have? LOVE and TRUST! syempre galing yun sa parents ko, pagsama-samahin pa lahat ng mga materyal na bagay na nabigay nila sakin, yung love and trust parin ang pipiliin ko!


8.what movie touches your heart so deeply? Hmm. Marami eh! :P


9.How do face tomorrow whenever things fall apart? Naniniwala ako na sa pagdating ng bagong umaga, may bagong bagay na dadating. Lagi ko lang iniisip na masyadong maiksi ang buhay para magmukmok at mag-alala, kahit maraming problema, lilipas din yan. Oo nga pala, hindi naman dadating yang problema na yan sayo kung hindi mo yan kaya eh, baka naman wake up call lang yan. Positibo lang lagi ang outlook ko sa buhay. :) At oo nga pala, Smile lang, para pretty! :P


10.what songs do love? I wanted you by Inah


11.If I’ll give you a chance to ask me one question, wat would it be? ^_^ Eh bakit ang pretty mo? :P

 

Here are my questions!

  1. What do you want to have in two years time?
  2. What do you think is the best possible way to overcome stress?
  3. How often do you get frustrated? If so, what makes you frustrated?
  4. Do you consider yourself as a serious type of person? Why or why not?
  5. Are you not afraid to sacrifice for the sake of saving a certain relationship? Be it friendship, or relationship between your siblings, or your relationship with that someone special? If so, how far will you go?
  6. What makes you feel beautiful/handsome?
  7. Have you ever been in an emotional turmoil? If so, how did you manage to get over it?
  8. How often do you blog?
  9. What makes a person lovable?
  10. What makes you hate a person so much?
  11. What is an unforgivable sin that a person can do to you?

 

Ayan na! :) Since konti palang ang nasa links ko at konti palang din ang nagco-comment dito sa blog ko, pagbigyan niyo muna ako kung hindi aabot sa 11 na tao ang mata-tag ko! :P

Ngayon, tina-tag ko sila: Fretz , Roselyn , Mia and Moonzkie

Bum.

Ang ibig sabihin ko dito ng “BUM” ay isang taong walang ginagawang productive. Haha. :P

Sembreak ko ngayon at wala akong ginagawa masyado. Puro internet lang at pagba-blog ang pinagkakaabalahan ko. Hindi naman ako makalabas ng bahay kasi wala akong allowance. Haha. I’m currently having the most unproductive semestral break ever! Haha. Susulitin ko na dahil sa mga susunod na taon ay baka hindi ko na masyadong ma-enjoy ang sembreak.

 

Honestly, I want to go elsewhere. Gusto kong lumayo at magpakasaya sa beach, or sa resort, or kahit chill lang muna sa isang tambayan. Basta hindi sa bahay! Pero walang akong choice kundi mag-stay muna dito sa bahay habang wala pa akong pera para maka-gala. :P Hindi ko ma-consider na worst sembreak ko ito ngayon, pero pwede ko itong tawagin na “most boring sembreak ever”! :P Kaya ngayon, medyo excited na ako para sa pasukan since wala naman akong ginagawa dito sa bahay. :P

 

Eh ikaw? Paano mo ine-enjoy ang bakasyon mo? Kailangan ba may plano? o ayos lang kahit wala?

Sa mga estudyante, kumusta naman sembreak niyo? Na-enjoy mo ba? Ready ka na ba para sa pasukan? :) Share mo naman!

Starting again.

Hindi naman ako bago sa blogging world. Pero kailangan kong aminin na mahihirapan akong pataasin ang PR nitong site na ito since Tagalog Blog ito. Not that I can’t, kapag gumagamit ka ng isang lenggwahe (other than English) parang nagiging limited lang readers mo since Filipinos lang ang mas nakaka-intindi ng blog posts ko. Siguro nasanay lang ako na mag-blog sa Ingles, pero iba parin kapag ginagamit ko ang “Mother Tongue” ko sa pagba-blog.

 

Nabanggit ko na noon na nagkaron na ako ng Tagalog blog, inabot ako ng mahigit isang taon para mapataas ang PR nun at katakot-takot na pagbisita sa mga blog (popularly known as “bloghopping”) ang ginawa ko. Haha. Hindi ko maiwasan mainggit sa ibang Filipino Bloggers na sobrang sikat ng blogs nila, kahit pa Tagalog ang majority sa mga posts nila. :) I feel like starting anew. I feel like starting again. :P

 

To my fellow Filipino Bloggers, pwede po b makahingi ng mga suggestions kung paano mapataas ang PR ng isang Tagalog Blog? (since yung ibang mga blog listings ay puro English Blogs lang ang tinatanggap). Pahingi narin ng konting advice. Please? Salamat!

I have to keep up!

OMG. Haha. Nasanay na yata akong mag-blog in English. :P

Ginawa ko itong blog na ito dahil namimiss ko na mag-blog in Tagalog. Sa mga hindi pa nakakaalam, I used to have a Tagalog blog, pero nagkaron ng problema, at hindi na ak makapag-post ng panibagong entries. Sayang nga eh, PR1 na yung domain na yun! Pero nawala lang lahat ng pinaghirapan ko. :(

 

So, eto na naman ako, I have to start over! Hindi ko na kasi ma-retrieve yung mga posts ko sa old Tagalog Blog ko, kaya nagsimula ulit ako ng panibago. Majority ng mga blogs ko ay English, at napaka-unfair naman kung puro English blogs lang ang meron ako. Sana lang mapataas ko din ang PR nitong site na ito, katulad nung lumang Tagalog Blog ko. Ito lang yata yung blog na zero ang PR! haha! (Siguro kasi bago palang!) :)

 

So to all my fellow Pinoy bloggers, eto na ulit ako!

 

BTW, napanalunan ko kasi ang hosting package ko para sa site na ito, at maganda ang hosting package na nakuha ko. May balak akong mag-open ng hosting site, pero kasi hindi pa ako masyadong marunong (maging isang host). Siguro, mag-start muna ako sa subdomain hosting, tapos saka nalang ako magho-host ng domains. :) This is my way of shring what I received. ;)

Hello!

Oo, tama ka, bagong bukas ang site na ito. Hindi pa masyadong tapos, pero tumatanggap na ng bisita, at syempre, pati mga comments at suggestions.

 

Ako nga pala so Jen, ang may-ari ng site na ito. Matagal na akong blogger, pero madalas ingles ang ginagamit ko para sa mga blogs ko. Kaya ngayon, Tagalog naman! Sana magustuhan niyo ang site na ito. :) Aayusin ko pa ito at unti-unting papagandahin. :)

 

 

Toodles~!

  • RSS
  • Facebook
  • Google+
  • LinkedIn
  • Twitter
  • Tumblr